Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Non-bite rabies exposure (posible ba?)

OMGitsEula

Recruit
Basic Member
Messages
2
Reaction score
0
Points
16
Ganito kasi yun yung tuta namin na 2 mos old dinilaan yung kamay ko. Tapos ako naman nangati yung kaliwang mata ko tapos nakalimutan ko di pa pala ako nakakahugas ng kamay (medyo tuyo na na kasi nun yung daliri ko, kaya nawala sa isip ko) ayun naikamot/massage ko yung daliri ko sa mata ko as in doon sa loob mismo. Humapdi sya after tapos kinusot ko pa mata ko para mawala yung hapdi. Worried ako kasi tru saliva daw nakukuha yung rabies. Hindi naman mukhang rabid tuta namin nung time na yon kaso kinabukasan kasi sumakit ung ulo (left side) ramdam ko yung paggapang ng sakit mula likod ng ulo ko pataas (tolerable naman yung sakit pero kakaiba kasi sa normal na sakit ng ulo) tapos sumabay pa sumakit din kaliwang balikat ko na parang nagbuhat ako ng mabikat. Tapos kinagabihan nagkasinat ako yung parang nasa loob yung init, parang body temp lang. Tinanong namin friend ng sis ko na may aso kung possible ba na mahawaan ako ng rabies dahil dun ang hindi naman daw kasi 2 mos pa lang (may immunity something daw kasi ang tuta pagkapangak galing sa antie-rabies vac ng nanay) Kaya napanatag ako kasi baka nagkataon lang na sumakit ulo at balikat ko that time. Kaso kasi ilang araw makalipas nun nagkasipon, ubo at sore throat ako eh nabasa sa google na mga signs yan ng rabies. Nagworry na naman ako. Tapos after non eto na naman yung parang 'mainit' ka na nasa loob mo yung lagnat na feeling na parang body temp ko lang naman yung init na malamig ng konti, yung ganon? Tapos ayun one week later pumunta na ako ng center kwenento ko yung nangyari.. tapos as expected imposible daw na nahawaan/mahawaan ako kasi possible lang daw yung rabies transmission tru bite or kapag sa sugat nadilaan. Sinabi ko din nabasa ko sa net na possible daw mahawaan tru mucous membrane gaya ng mata wich is yun talaga pinagaalala ko kasi sa mata ko nga naidampi yung daliri ko at sinabi din nya na malakas rabies ng tuta. Tapos tinanong ko din baka kung hindi rabies, titanus makuha ko.. sabi imposible din daw tapos sinabi ko na sumakit ulo ko, balikat ko lahat ng naramdaman ko na kakaiba. Ang sabi lang sa akin baka daw psychological na ito. So ayun di ko na pinush umuwi na ako pero.. ito naman kasi pang 16 days/3 weeks simula nun may pamanhid-manhid, ngalay-ngalay na sya sa braso, hita sa left side lahat tapos ito na naman yung parang may sinat ako na ewan tapos paminsan-minsan paghapdi ng mata ko yung mismong nadampian ko ng laway. seriously hindi ko na alam kung ano ewan ko kung paranoid lang din ako o ano..

Kayo ba anong tingin nyo? Gusto kong mapaturok ng kung anong pwede nilang iturok para makasiguro eh. Ano po ba sa tingin nyo? Hindi naman siguro nangyayari yung mga pagsakit-sakit,pamamanhid ng braso ko kung wala lang diba?
 
Last edited:
Ang aso kapag madumi ang paligid diyan nakukuha ang rabies. A.K.A mga asong kalye. Kung ang tuta mo ay nasa bahay at malinis naman ang paligid, hindi magkakarabies yan.

Posible din naman na magkarabies through saliva KUNG infected ung tuta mo since sabi mo sa pinaka loob ng mata mo naihawak. Mas maganda pa rin ang magpaturok kasi hindi ka sigurado kung infected ba ung tuta mo or hindi.

Better safe than sorry.
 
Back
Top Bottom